Ang pelikulang Sister Stella L ay tungkol sa pagpapakita ng mga suliraning panlipunan na kinasasangkutan ng iba’t ibang tao: mga madre sa pangunguna nina Sister Stella Legaspi at Sister Stella Bautista, unyon ng manggagawa na pinangungunahan ng lider na si Ka Dencio at peryodista, si Nick na dati ring kasintahan ni Sister Stella L. Iba’t ibang uri ng tao ngunit may isang pinaglalaban – ito ay ang makalaya sa paninikil ng mga namumuno sa pinagtatrabahuhang pabrika ng mga manggagawa. Ngunit ang pelikula ay sumentro sa buhay ni Sister Stella L na nakisangkot sa ganitong uri ng kilusan sa kabila ng pagiging isang madre na sa tingin ng karamihan ay nararapat na nasa loob lamang ng kumbento o simbahan upang magdasal maghapon at magdamag. Sa kabila ng pagtutol ng mga kasamahan ni Sister Stella L sa kumbento, hindi ito nagpapigil sa pagnanais niyang makisama sa pakikibaka ng mga manggagawa dahil nakita niyang mayroon ipinaglalabang karapatan ang mga ito matapos  niyang makilahok sa unang araw ng rally nang hindi sinasadya. Sa kabila ng socio-political na isyung umiiral sa kwento, mayroon ring anggulo ng pag-ibig ang namayani sa istorya sa katauhan nina Nick at Sister Stella L na dating magkasintahan ngunit mayroon pa ring natitirang pag-ibig at pag-aalala sa isa’t isa kahit pa isa nang ganap na madre ang huli. Well, akala ko nga titiwalag si Sister Stella L sa pagiging madre noong ipinapakita ang mga scenes na “confused” siya sa nararamdaman niya towards Nick at dahil pinipigilan siya ng mga kasamahan niya sa kumbento sa mga nais niyang gawin sa labas (particularly, sa Baryo Agoho). Pero akala ko lang lahat ng iyon, hindi nga pala ‘to love story! Nagtapos ang pelikula sa pagsasalita ni Sister Stella L sa lahat ng kaanib ng unyon ng manggagawa na patuloy ang kanilang laban sa mga nanggigipit sa kanila sa kabila ng lahat ng pasakit at pahirap na naranasan nila sa kilusang kanilang isinasagawa. At siyempre, sa parteng ito ng pelikula, nag-assume ulit ako. Akala ko mala-Himala ni Nora Aunor ang ganap! Inisip kong may babaril kay Sister Stella L habang nagsspeech siya at biglang magkakaroon ng stampede. Riot n asana kaso mali ulit ako eh. Siyempre, hindi naman siguro papaya si Vilma Santos na may pagkakahawig ang ending ng pelikula nila ni Nora, baka ma-isyu pa sila! Pero, umiisyu lang din ako sa sinabi kong ‘to!

Editing. Hindi ko trip ang editing na nangyari sa pelikula. Hindi ako nagandahan. Wala siyang mga transitional effects, puro siya cuts na maganda sana kung maayos ang pagkakacut kaso sa ibang scenes kasi literal na cut ang nangyayari, napuputol ang isang scene sa tuwing lilipat sa panibagong scene. Pero hindi naman naging magulo ang order ng mga scenes since wala namang ‘throwback Thursday’ o ‘Flashback Friday na nangyari’!

Cinematography. Isa pa ‘to! Ano kayang ipinaglalaban ng pelikulang ‘to at sobrang low quality pagdating sa technicalities. Malamang wala. Hashtag medyohard! LOL. Hindi na nga HD (may ganito na ba dati? Wayback 1984), sobrang minimal pa ng ginamit na mga shots. At ang pinakamalalang nakita ko sa pelikulang ito ay yung naguusap-usap sina Sister Stella L, Sister Stella B at Sister Carmen bago pa may dalawang lalaki na nagbaba sa sugatang katawan ng anak ni Ka Dencio sa tapat ng bahay nila. Sa tuwing magsasalita si Sister Stella L, nasa kanya ang kamera at pan-to-right ang peg kapag si Sister Stella B naman ang bida at pan-to-left kapag si Sister Stella L ulit at pan-to-right ulit at pan-to-left ulit. Oo, ulit-ulit talaga. Kahit panoorin mo pa! Na-imagine ko tuloy yung itsura ng production area nila nung sinu-shoot yung eksenang yun – nasa harap nilang tatlo ang camera na nasa tripod at may isang nagmamanipulate (hindi cameraman, wala rin kasamang director of photography). Kasi kahit bata kaya yung ginawang pag-pan-to-left at pan-to-right. Medyo hard talaga!

Characters. Sa lahat ng kakulangan sa technical side ng pelikula, bawi naman sa mga nagsiganap. Magagaling sila. Naipakita ni Vilma sa pamamagitan ng kanyang pag-arte ang ibang imahe ng isang madre na hindi lang laging nakaluhod at mataimtim na nagdarasal. Makikita naman kay Nick ang pagiging matapang niya sa pagsulat ng mga mapangahas na artikulo na talagang ipaglalaban ang karapatang mailathala ang mga ito. Maaninag din sa kanya ang pagmamahal niya para kay Sister Stella L sa kabila ng estado ng buhay nito ngayon. Kakikitaan din ng tapang si Ka Dencio at mga kaanib nito na gagawin lahat makamit lang ang kalayaan na hinahangad mula sa mapanakal na pamumuno.

Sa kabuuan, umikot ang pelikulang ito sa kalayaan. Bawat tauhan sa kwento ay kalayaan ang isinisigaw ng puso at isipan. Si Sister Stella L, nagnanais ng kalayaan mula sa kanyang mga kasamhan sa kumbento na gawin at mga nais niya sa labas at makiisa sa hinahangad na paglaya ng mga manggagawa. Si Ka Dencio na nagnanais na makalaya sa kasalukuyang estado ng pamumuhay ng kanyang pamilya. Nagtagumpay naman siya – bukod sa namatay siya at literal na nakalaya sa lahat ng pasakit, nagtagumpay siya sa layuning patuloy na ipaglaban ng kanyang mga naiwan ang laban patungo sa paglaya sa mga mapang-abusong pamumuno. Si Nick na isinusulong at maayang pagpapahayag sa pamamgitang ng paglathala ng mga mapangahas na atikulo lalo pa’t tungkol sa pakikisangkot ng mga miyembro ng sektong pang-relihiyon sa suliraning pampulitikal. [V]

 
FOREWORD: Diring-diri na talaga ako kay Coco Martin! From Serbis to Masahista, parang hindi ko na yata siya kayang tingnan sa mga decent portrayals niya sa mga teleserye ngayon. CHOS!  -----                                                                                                                                
 
Matagal ko nang nadownload ‘tong movie na ‘to kasi first meeting (June 2013) pa lang namin sa Film Crit class, I was already informed that Masahista will be one of the films to be reviewed and criticized. Hanggang sa dumating ang two-week-before-the deadline announcement ni Sir na ito na yung film na papanoorin namin, ilang beses ko siya in-attempt panoorin pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas panoorin ‘to, knowing na sex-portrayal film na naman ang isang ito! At congrats naman sa’kin, natapos ko! In the end, I realized na hindi lang siya basta bastos o malaswang pelikula, may kwento talaga siya. Ang bida sa kwentong ‘to ay si Illiac, na ginampanan ni Coco Martin. Isa siyang masahista, but not the typical one. Isa siyang masahista kung saan ang mga customers niya ay kapwa niya lalake at bukod sa pagmamasahe, kasama rin sa inooffer niya ay ang sexual service, basta mayroong dagdag na bayad. Ito na ang nakagawiang buhay ni Illiac simula nang lumuwas siya ng Maynila mula Pampanga upang buhayin ang pamilya dahil para sa kanya, walang pakinabang ang tatay niya. Isang araw, habang nagtatrabaho si Illiac, nakatanggap siya ng text message na sinasabihan siyang umuwi sa probinsya dahil comatose ang tatay niya. At nang umuwi siya, patay na ito nang maabutan niya.Nagsentro ang pelikula sa dalawang panahon/parte ng buhay ni Illiac: habang nagseserbisyo siya sa isang customer na ang pagpapakilala ay Marina Hidalgo at ang pagkamatay ng kanyang tatay sa probinsya. Ang gulo ng transition ng mga scenes noong una. Alam kong may dalawang panahon na umiiral sa pelikula pero hindi ko ma-distinguish kung ano yung present at yung past. Wala rin kasing color-grading na nangyari, sa later parts na lang kung saan blurred na yung texture ng scenes. Naliwanagan na lang ako noong may nagtext kay Illiac na comatose ang tatay niya; ang past scenes ay yung habang nagseserbisyo siya kay Marina at ang present ay yung mga eksena kasama ang pamilya niya sa probinsya. 


Editing. Yun nga, medyo magulo noong una dahil walang signs kung ano yung present at past scenes. At yung eksena na kung saan top view ang kuha habang minamasahe ni Illiac si Marina then scene transition sa eksenang nakahiga ang tatay niya sa morge kung saan top view din ang kuha, mas maganda sana kung wala nang transitional effect na ginamit (fade); sana yung swabeng no-cut ang nangyari. At yung eksenang minamasahe niya si Marina kung saan POV ang ginamit, pinakita yung mukha ni Marina at biglang magiging mukha ng tatay niya – ang lakas maka-move! Yes, I was moved. Literally. Napalayo ako nang kaunti from the screen. Nakakakilabot! 


Cinematography. Na-maximize naman ang paggamit ng iba’t ibang camera angles and shots. Merong close-up, POV, establishing shot, worm’s eye view, high and low-angle shots, etc. Dahil dito, hindi naging boring ang anumang eksena, may camera angle manipulation kasi. Hindi nagiging babad ang mga eksena. 


Lighting. Okay din ‘to! Ang lakas maka-symbolism ng ilaw na ginamit lalo na sa massage parlor. Tabi-tabi kasi yung mga kwarto dun at sa scene kung saan high-angle shot (top view) ang ginamit at ipinakita ang mga nagaganap sa bawat kwarto through panning, nakakatuwa kasi from the first room to the last, iba’t ibang intensity level ang nangyayari sa masahista-client, kumbaga ascending order ang kaganapan, sa mga mild level (kung saan tipikal na pagmamasahe lang ang nagaganap) clear ang light lang ang ilaw at sa wild level (kung saan may iba nang kaganapan bukod sa pagmamasahe) the light was on FiiiiiiiiRE! Red na red, dark na dark! Ang porma lang talaga nung eksenang yun. Haha.

Characters. Magagaling din yung mga nagsiganap. Yung mga nagmamasahe, parang sanay na sanay na talaga eh! LOL. Ang funny lang nung eksenang pinagpipilian sila ni Marina habang naglalaro ng billiard. Kanya-kanyang pagpapapogi! Nakakatawa din magsalita si Coco, noong malaman niyang pareho sila ng brand ng brief ni Marina. Ewan ko, hindi kasi masculine yung boses niya, parang batang natutuwa lagi. And, nung nag Pampangeño, nakakatawa, parang nagcocomedy siya! Si Marina naman, ang landi ng boses. Bagay na bagay. Noong una lang, nag-doubt ako sa pag-arte ni Coco nung malaman niya from a nurse na namatay na yung tatay niya. Hindi man lang siya nagulat, naiyak o natigilan man lang. Nakuha pa niyang mag-‘thank you’ sa nurse sa pagsasabi sa kanya nun. At habang inaayos niya ang katawan ng wala nang buhay niyang tatay, parang wala lang sa kanya. Pero naliwanagan ako kung bakit habang tumatagal yung kwento, may galit siya sa tatay niya. 


Symbolisms. Yung pag-iilaw ng parol at yung mga Christmas lights, they all stand for hope. Hope above all the downs na nangyari sa buhay ni Illiac at ng pamilya niya; Yung eksenang ina-arouse ni Illiac si Marina para lang mabigyan siya ng bagong rubber shoes, it just means na gagawin niya lahat, kahit sa malaswa pang paraan, makuha lang ang isang bagay na hindi kailanman naibigay ng kanyang ama. And this symbolizes the poverty that our society is facing at yung mga taong kakapit sa patalim mabuhay lang; at yung naiwan ni Illiac ang pocket book na binigay sa kanya ni Marina, ibig sabihin lang, lahat ng nangyari sa kanila ay trabaho lang, walang personal interaction beyond work ang nangyari. Pagkatapos ng service, all things between them ended also. Just to end, gusto ko lang sabihin na kung anong indecent ng mga eksena, siya namang decent at tasteful ng istorya at ng deeper meaning nito. [V]
 
Ang pelikulang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga ay kwento ng isang babae sa katauhan ni Curacha bilang isang torera. Corazon ang tunay niyang pangalan ngunit binansagan siyang “Curacha” ng kanyang mga kasamahan dahil sa galing nito sa pakikipagtalik sa live performance na kanyang pinagkakakitaan. Hindi niya ninais maging isang torera ngunit dito siya dinala ng tadhana sapagkat wala rin naman siyang pinag-aralan. Dagdag pa rito, ito na ang nakagisnan niyang paraan para kumita ng pera dahil ang kanyang mga kamag-anak ay sa pagtotorera din nabubuhay.

Si Rosanna Roces ang gumanap bilang Curacha. Para sa akin, bagay na bagay siya sa karakter. Sa kanyang katauhan, alam mong ganda lang ang meron siya. Magandang mukha at katawan. Wala siyang ka-class class kung magdeliver ng dialogue, na bumagay naman sa ginagampanan niya bilang wala siyang pinag-aralan. Kumbaga, laking kalye. Halatang-halata na napaka-inosente niya pwera na lang kung ang usapan ay may kinalaman sa bagay kapara ng kanyang trabaho na kung saan siya talaga ang henya!

Pagdating sa cinematography, wala akong masabi at sa aking palagay wala ako sa lugar para humusga dahil malabo ang kopya na pinanood ko. Hindi ko tuloy nakita o napansin kung may focusing na naganap sa mga eksena. Sa camera techniques, sobrang minimal lang ang paggamit dito. Pero gusto kong bigyang pansin ang aerial shot na ginamit noong makarating na ang taxi na sinasakyan ni Curacha sa kanyang trabahao. Isa pa, hindi naging madamot ang pelikula sa pabago-bagong anggulo sa isang eksena. Hindi nababad ang isang eksena sa iisang anggulo lamang. Hindi ko rin kinakitaan ang pelikula nang palagiang fade-to-black na transition effects na naging madanda sa aking paningin.

Hindi masyadong gumamit ng musika ang pelikula. Panay natural sound effects ang maririnig – ingay ng sasakyan, ingay ng mga tao, ingay sa kalsada, etc.  Ang nakakainis lang, sa ilang mga eksena, mas dominante pa ang background music kaysa sa mismong usapan. Lalo na yung tunog ng radyo na halos hindi na marinig at maintidihan ang usapan na dapat ay mas nabibigyang pansin.

Sa aspeto naman ng pag-iilaw. Mapapansing karamihan sa mga eksena ay laging madilim ang kuha. Para sa akin, ang madilim na pag-iilaw ay nangangahulugan ng madalim na pangyayari sa buhay ni Curacha. Ang dilim rin na ito ang mismong tumatakip sa mga bagay na kasiraan sa pagkatao at pagkakababae ni Curacha.

Mapapansin rin na sa simula ng pelikula, sinabayan ito ng pagdedeklara ng Martial Law sa Pilipinas na narinig sa radyo. Maya’t maya rin ay maririnig mula sa radyo ang mga balita at updates tungkol sa naturang pahayag ng Pangulo ng panahong iyon. Sa nalalapit na pagtatapos ng pelikula ay nagtapos rin ang Martial Law sa bansa sa pagdedeklara ng simula ng demokrasya. Kasunod nitong naganap ang pag-alis ni Myrna, matalik na kaibigan ni Curacha, papuntang probinsya lulan ng isang barko. Samantala, habang papauwi si Curacha pagkahatid sa kaibigan, ay inaawit ang Lupang Hinirang. Ang pagbubukas ng Martial Law ay sumisimbolo sa lahat ng pasakit at kasakiman na natikman ni Curacha. Samantala, ang pagdedeklara naman ng demokrasya ang siyang sumasalamin sa pagkakaroon ng pag-asa sa buhay niya. Ang Lupang Hinirang ay siya ring simbolo ng pag-asa kay Curacha na makawala sa dilim na kanyang pinanggalingan at pagbangon  mula sa lahat ng sakit at hirap na kagaya ng ginawa ni Myrna na magbabagong-buhay sa proinsya.

Sa kabuuan, hindi ako masyadong nadala ng pelikula. Siguro, hindi lang talaga pumapatok sa akin ang mga pelikula kung saan ang mga tauhan ay kailangan pang maghubad at ipakita ang buong kaluluwa para lamang maipahayag ang mensahe at kwento sa mga manonood. Pero dahil nga umiikot ang kwento sa isang torera, ano pa nga bang aasahan kundi ang mga ganitong bagay. 


Nga pala, walang pahinga si Curacha dahil hindi nababakante ang katawan niya sa pakikipagtalik dahil sa lahat ng problemang makaharap niya wala siyang ibang alam na solusyon kundi ang pagpapagamit ng kanyang pagkakababae. [V]
 
Regardless of the title and considering only the cast especially Coco Martina and Mercedes Cabral at Brillante Mendoza Movie pa, akala ko mangingilag na naman ang mga mata ko sa mga hindi matatawarang sex scenes. Pero sa totoo lang, nangilag pa rin ako sa pelikulang ito sa ibang dahilan- masyadong brutal ng mga pangyayari. Nakakatakot. Nakakakilabot. Pero hindi ‘to horror.

Ang istorya ng pelikulang ito ay umikot sa kwento ng isang beinte-anyos na lalake. Siya si Peping. Sa mura niyang gulang ay mayroon na siyang anak at katatapos lang niyang ikasal sa matagal na niyang kasintahan na si Cecille. Sa kabila ng pagiging pamilyado, kasalukuyan pa ring nag-aaral si Peping ng pagpupulis. Upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan, nagtatrabaho siya sa ilalim ng mga loan sharks, ito yung mga taong nagpapautang sa napakataas na interes, bilang kolektor ng mga utang. Si Abyong ang nagpasok sa kanya sa trabahong ito. Siya rin ang nagsama kay Peping sa isang operasyon sa utos na rin ni Sarge. Sa operasyon na ito niya nasaksihan ang pambubrutal kay Madonna, babaeng nagtatrabaho sa club, sa pamamagitan ng pananakit, panggagahasa at pagkatay matapos siyang hindi makapagbayad ng utang sa grupo ni Sarge at ni Kap. Noon ay parokyano niya si Kap ngunit hindi ito naging dahilan upang makaligtas siya sa brutal na paniningil ng mga ito. Ang grupo sa likod ng ganitong operasyon ay ang siyang laman ng mga balita na isang sindikatong kilala sa pagtadtad ng katawan ng isang tao saka itatapon ang bawat parte sa magkakaibang lugar.

Ang gagaling ng mga tauhang gumanap sa pelikulang ito. Napaka-natural ng arte nina Coco at Mercedes. Sa eksenang kasama na si Peping sa mga sindikato, kitang-kita ang takot niya sa bawat naririnig ng kanyang tainga at nakikita ng kanyang mga mata. Nakakatakot din ang karakter ni Sarge na ginampanan ni John Regala. Sa pagbitaw niya ng mga dayalogo at pagmumura, kahit ako mismo natatakot. Kakikitaan siya ng pagiging sadista! Ang brutal lang talaga ng ginawa niya kay Madonna. Masyadong napunit ang pagiging babae at tao niya sa ginawang iyon sa kanya. Si Isabel Lopez naman bilang Madonna ay kakaawaan mo talaga sa pelikulang ito. Ramdam ko ang takot at hirap na nangingibabaw sa kanya sa mga oras  na siya ay ginagahasa, pinapahirapan at tinatakot na patayin sa huli. Nakakaawa talaga. 

Kinatay. Literal na kinatay. Simula pa lang ng pelikula may pinapatay na at may nagpapakamatay. Hayop man o tao. Nakakapangilabot.

Cinematography. Makikita na namaximize ang paggamit ng iba’t ibang camera techniques – shots at angles. Mapapansin rin ang focusing. Hindi kailanman naging babad sa isang anggulo ang mga eksena.

Editing. Hindi naging dominante ang fade-effect transitions which is sobrang swak sa akin. Ang ikinadismaya ko lang ay ang sobrang tagal ng eksenang nasa sasakyan sila nabyahe papunta sa bahay kung saan nila isinasagawa ang operasyon. Para bang kasing-tagal talaga ng eksenang iyon ang oras ng byahe nila mula Maynila papuntang Bulacan! Parang hindi na tuloy totoo ang kakayahan ng pelikula na mag-distort ng time and space. Sobrang boring lang talaga ng eksenang iyon.

Mapapansin rin na madilim ang lighting na ginamit sa pelikula. Bukod dahil sa gabi ang eksena, para sa akin, ang dilim na ito ang sumisimbolo sa masamang ginagawa ng grupo. Sa isang banda, itong dilim rin na ito ang siyang nagkukubli sa mga kasamaang ito.

Maayos rin naman ang tunog at musika ng pelikula. Walang nakakadistract na background music. At nakakadagdag pa nga ito sa emosyon na nangingibabaw sa mga eksena.

Walang duda na umabot ang pelikulang ito ang Cannes Film Festival! Magagaling na artista, magandang istorya,  mahusay na sinematograpiya. Pero, anyare sa ending? Sa totoo lang, hindi ko talaga nagets. Ito na lang, siguro matapos lahat ng nasaksihan at naranasan ni Peping ng isang gabi, ang pamilya pa rin ang makapagpapagaan ng kanyang kalooban at makatutulong upang maging payapa ang kanyang isipan. [V]

 
Ang pelikulang Karnal ay nagsimula sa pagsasalaysay ng isang babae tungkol sa lugar na kinalakhan ng kanyang ina na kung tawagin ay Baryo Mulawin, at ang madrama at mapait na karanasan nito kasama ang iba pang mahal niya sa buhay at ilang taong pumapaligid sa kanilang pamilya.

Matapos ang tatlong taong pakikipagsapalaran sa Maynila, muling nagbalik sa Baryo Mulawin si Narsing kasama ang napangawasa nitong si Puring na tubong Maynila. Nagbalik ang lalaki hindi dahil sa pangungulila sa pamilya ngunit sa kadahilanang gusto nitong makuha na ang lupang ipamamana sa kanya ng kanyang ama, si Gusting, upang maibenta at maging puhunan sa itatayong negosyo sa Maynila. Ang negosyong ito ang magsisilbing pambawi ni Narsing sa lahat ng kamalasang naranasan niya sa lungsod.      

Nang ipakilala niya si Puring sa kanyang ama, ipinahayag ni Gusting ang malaking pagkakahawig ni Puring sa nasira nitong asawa. Namatay si Helena, asawa ni Gusting, matapos nitong magbigiti dala ng labis na kahihiyan matapos ilantad ni Gusting ang kanyang pakikiapid sa ibang mga lalake sa pamamagitan ng pagkaladkad nang nakahubad sa harap ng publiko. Mula ng pumanaw ito ay tila isang malaking bahagi rin ang namatay kay Gusting. Marahil pangugulila sa asawa ang nag-udyok dito na pagsamantalahan ang sariling manugang nang minsang ipasukat niya rito ang damit ni Helena para sa kanyang kaarawan.

Habang nagtatrabaho si Narsing sa kapitolyo, madalas naiiwan si Puring sa bahay kasama si Doray, kapatid na babae ni Narsing, gayong ayaw rin naman siya payagan ng asawa na lumabas mag-isa sa pag-aalalang baka pagnasahan lamang ito ng mga binate sa kanilang baryo. Sa dalas ng pagsasama nina Doray at Puring, marami silang napagkukuwentuhan na noon lamang nalalaman ng huli. Napag-alaman niya na dating kabesa ng baryo si Gusting na nang kalaunan ay kinamuhian ng lahat ng kanyang nasasakupan dahil sa panggigipit na ginawa nito kaya’t magpasa-hanggang ngayon ay nananatili ang hidwaan sa pagitan ng buong baryo at sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin ni Doray kay Puring ang katotohanang hindi niya pa rin magawang mahalin si Menardo na pilit lamang ipinakasal sa kanya ng ama dahil ang tunay niyang minamahal ay ang dati nitong kasintahan na si Jose.

Ibang-iba ang kinalakhang lugar ni Puring sa Mulawin. Sa Maynila, masaya, maingay at magulo. Dahil sa pagbabawal sa kanya ni Narsing na lumabas nang hindi siya kasama, pakiwari niya’y isa siyang bilanggo na hinahanap-hanap ang Malaya niyang pamumuhay sa Maynila. Nang minsang hindi na niya kinaya ang pananatili sa looob ng bahay, nag-ayos at nagbihis siya na para bang papasok bilang dispatsadora na kanyang nakagawian. Sa kanyang paglabas, mas nakilala niyang husto si Goryo, isang pipi at bingi na inampon na ng baryo, na simula pa noong araw ng pagdating niya sa lugar ay tila may pagnanais na ito sa kanya. Sa kanya naramdaman ni Puring ang emosyonal na panganagailangan na hindi maibigay ni Narsing. Nagkaroon sila ng malalim na relasyon na naging usap-usapan sa buong baryo. Ngunit sa huli, nalaman ni Puring sa kanyang sarili na si Narsing pa rin ang kanyang mahal at ito ay kanyang sinabi kay Goryo nang puntahan niya ito sa kanyang kubo isang gabi.

Sa ginawa niyang ito, mas tumibay ang paniniwala ng buong baryo na mayoon talagang namamagitan sa kanila. Isinumbong ito ni Suling, isang taga-baryo na mayroong pagnanais kay Narsing, kay Gusting. Sa galit nito, tinungo niya, kasama si Doray, ang kinaroroonan ng dalawa. Kinaladkad niya si Puring mula sa kubo ni Goryo hanggang sa kanilang bahay at ipinamukha kay Narsing at sinasabing pagtataksil ng asawa niya sa kanya. Sa mukha ni Narsing, hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang ama kaya’t tinanong niya si Doray tungkol sa katotohanan. Nang pabulaanan ng kapatid ang sinasabi ng ama, sinugod ito Narsing at nagsimula silang magsakitan. Nang hindi na makabangon si Narsing, nilapitan siya ni Puring at sinabi ang noo’y panghahalay sa kanya ng ama. Nang marinig ito, nagkaroon ng lakas si Narsing at nagawa niyang pugutan ng ulo ang sariling ama.

Sa pangyayaring ito, si Puring ang naging tampulan ng sisi ng pamilya ni Gusting at ng buong baryo. Maging si Narsing ay isinusumpa siya sapagkat nang dahil sa kanya, nagawa niyang patayin ang sariling ama. Habang pinagbabayaran ni Narsing ang kasalanan sa kulungan, pinalayas ni Doray si Puring sa kanilang bahay. Sa mga oras na iyon, si Goryo ang naging sandigan ni Puring hanggang sa ito’y magbuntis. Sa nalalapit na pangaganak, pinuntahan nila si Aling Rosing, taga-baryo, upang tumulong sa pagpapaanak rito ngunit sila ay tinanggihan nito. Sa huli, si Goryo ang napilitang magpaanak rito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, tila ang sanggol ay anak ng demonyo sa anyo nitong puro buhok at may ngipin na. Dahil alam ni Puring na walang simbahan ang tatanggap sa anak upang mapabinyagan at alam nito ang magiging kapalaran ng anak sa hinaharap, pinili niyang patayin ito sa pamamagitan ng pagbaon nito sa lupa nang buhay. Nang makarating ang balitang ito kay Narsing, tumakas siya sa bilangguan at pinuntahan si Puring. Pumunta siya sa asawa nang may galit ngunit nang magkita ay mas nanaig pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Magkasama silang tumakas mula sa mga humahabol na mga pulis ngunit hindi sila nagtagumpay. Habang kinakaladkad ng pulis sakay ng kabayo si Narsing patungong bilangguan, walang magawa si Puring kundi ang pagmasdan ang paghihirap niya habang umiiyak. Pagdating sa kulungan, kinitil ni Narsing ang sarili nitong buhay.

Ang pangyayaring ito ang muling nagbuklod kina Puring at Doray. Ngunit hindi rin ito nagtagal nang pumunta ang una sa Maynila upang dalawin ang bangkay ni Narsing. Hindi nagawang sumama ni Puring nang araw na iyon dahil siya ay may karamdaman. Hindi rin pinayagan ni Doray na samahan siya ng kanyang asawa. Iyon na rin ang huli nilang pagkikita sa isa’t isa dahil hindi na kailanman bumalik pa si Doray sa Mulawin. Matapos ang paglilibing kay Narsing, muling nagsama sina Doray at Jose. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ang kanilang anak ay ang tagapagsalaysay ng buong istorya. Hindi rin nagtagal, nilisan na rin ni Puring ang Mulawin at kailanma’y hindi na rin bumalik. May ilang nagsasabi na bumalik na ito sa pagiging dispatasadora sa Maynila at kung minsa’y masahol pa raw doon dahil sa pakikipaglandian raw nito umano sa mga Amerikano. Sabi naman ng iba ay nagmadre raw ito upang pagsisihan ang mga nagawang kasalanan sa buhay. Ngunit kailanma’y hindi na muling nagtagpo ang kanilang mga landas.

Ano ang una mong maiisip kapag narinig mo ang salitang ‘pag-ibig’? Masaya, makulay, maganda sa pakiramdam, parang nasa langit, pinakadakila sa lahat. Hindi ba’t ang mga positibong bagay ang una mong maiisip sa tuwing maririnig ang salitang ito? Ngunit, ang katotohanan, hindi lahat ng may kinalaman sa pag-ibig ay positibo. Masasabi pa rin bang pinakadakila ito sa kung ano pa man kung ang naibibigay nito ay puro dumi at pasakit?

Sa aking pagkakaunawa sa pelikulang Karnal, umikot ang kwento nito sa pag-ibig. Sa dumi at pasakit na dala ng pag-ibig. Bawat tauhan sa pelikulang ito ay gumagawa ng aksyon batay sa pagkakaunawa nila sa salitang ito. Ngunit sa kasamaang-palad, puro kabaligtaran ng mga positibong bagay ang nagiging epekto ng kanilang mga aksyon. Una, nang dahil sa pagmamahal ni Narsing sa kanyang asawa,, nagagawa niya itong saktan at bugbugin sa tuwing paghihinalaan niya itong may ibang kinakasama. Para sa kanya, pagmamay-ari niya si Puring at walang sinuman ang maaring umangkin rito bukod sa kanya. At ang pinakamaduming nangyari nang dahil sa pag-ibig niya kay Puring, nagawa niyang patayin ang sariling ama. Pangalawa, dahil alam ni Puring na papasakitan lamang ng kapwa ang kanyang anak sa paglaki nito dahil sa kakaibang anyo nito, pinili niyang patayin ang anak upang hindi na kailanman pa nito maranasan ang pangungutya ng kapwa nito sa hinaharap. Pangatlo, mahal na mahal ni Gusting si Helena kung kaya’t ayaw nito na mayroong ibang lalaki ang makakakita rito kaya naman ikinukulong niya ito sa bahay. Nang dahil din sa selos na dala pag-ibig, nagawa nitong pasakitan ang asawa nang magsimula itong lumabas ng bahay at mapabalitang umano’y nakiki-apid sa ibang lalake. At isa pa, nang dahil sa pangungulila at pagmamahal sa asawa, nagawa nitong halayin ang sariling manugang dahil nakikita niya rito ang yumaong minamahal. Pang-apat, si Doray, nang dahil sa pag-ibig sa ama ay sinunod niya itong pakasalan si Menardo kahit pa mapagkaitan siya pagkakataon na maging sila ng tunay na minamahal na si Jose sa mahabang panahon. Pang-lima, nang dahil sa hindi mapigilang pag-ibig ni Goryo kay Puring, nagawa nitong magkaroon ng malalim na relasyon sa kanya sa kabila ng pagkakaroon na nito ng asawa at sa kabila ng kaalaman niyang maaarig mapahamak si Puring. Pang-anim, dahil sa pagnanais ni Suling sa pagmamahal ni Narsing, nagawa niyang paghinalaan si Puring sa paggawa ng masama laban sa asawa.

Para sa akin, ang Karnal ay sumesentro sa kwento ni Puring na minsang nakagawa ng kasalanan nang dahil sa pag-ibig sa puntong pinatay niya ang kanyang anak; na minsan ding naging dahilan ng kasalanan sa ngalan ng pag-ibig nang pinatay ni Narsing ang sariling ama; at minsan ding napaggawaan ng dumi at pasakit nang dahil sa pag-ibig nang halayin siya ni Gusting dala ng pangungulila at pagmamahal nito sa namayapang asawa.

Isa pang tema na namutawi rin sa kabuuan ng pelikulang ito ay ang literal na pagiging karnal ng mga tauhan. Bawat isa sa kanila ay mayroong makamundong pagnanasa sa kaloob-looban ng isang indibidwal, kapangyarihan, salapi, ari-arian at iba pa na nagdudulot ng pagkasira ng pagkatao at pagkasira ng relasyon ng isang tao sa kapwa. At ang pag-alinsunod sa tawag ng mga ganitong uri ng pagnanasa ay nangangahulugang pagtaliwas sa ating paniniwala sa Diyos. Ang temang ito ng pelikula ang siyang sumasalamin sa iba’t ibang makasariling pagnanasa ng mga tao sa ating lipunan sa ngayon. Inaakala ng marami sa atin na kapag napagbiyan ang ating mga nasa ay mapupunta sila sa rurok ng tagumpay at kasiyahan. Ngunit ang totoo, sapagka’t ang mga pagnanasang ito ay dulot ng kasamaan at pansariling-interes lamang, ang pagkamit sa ating mga kagustuhan ay magwawakas din sa kasamaan. Sa halip na mapabuti, lalo pang lumalala ang sitwasyon ng ating lipunan dahil sa napakaraming makasariling nilalang.

Bukod sa screenplay o istorya at tema, isa pang elemento ng pelikula ang mga karakter o ang mga taong nagsiganap sa pelikula. Si Philip Salvador ay maayos na naisabuhay si Narsing. Kitang-kita ang pagiging sadista niya sa tuwing bubugbugin niya si Puring pagkatapos ay hahalikan na para bang walang nangyari. Pero sa eksenang iniiyakan niya ang pinaglibingan ng ama, medyo nakulangan lang ako sa emosyon niya roon. Hindi ko masyadong naramdaman ang sakit ng eksenang iyon. Si Cecille Castillo bilang Puring ay naging maayos din naman ang naging pag-arte. Naipakita niya sa kanyang pagkilos at pagsasalita ang kaibahan niya sa mga kababaihan sa baryo Mulawin bilang tubong-Maynila siya. Makikita rin sa kanyang pagkilos at pananamit ang pagka-liberated niya. Makikita naman sa pag-arte ni Grace Amilbangsa bilang Doray ang pagiging inferior sa kanyang ama sa pamamagitan ng kiming pagkilos at madalas na hindi pag-vovoice out ng nararamdaman. Nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob na maging totoo sa sarili at sa mga taong nakapaligd sa kanya nang pumanaw na ang kanyang ama. Si Si Joel Torre bilang Goryo na bagama’t pipi at bingi ay nagawag ipahayag kay Puring ang kanyang pagmamahal dito sa pamamagitan ng kanyang mga matang nangungusap. Dagdag na lamang rito ang mga ginagawa niyang pagtulong at pagmamalasakit sa kanya lalo na noong mga panahong nasa kulugan si Narsing. Si Gusting ay nabigyang-buhay ni Vic Silayan. Napanindigan niya ang katangian ng tauhang kanyang ginagampanan bilang isang dominanteng haligi ng tahanan. Ika nga, siya ang naging Diyos sa loob ng kanilang tahanan. Nangungusap rin ang kanyang mga mata kahit pa walang dayalogo ang lumalabasa sa kanyang mga labi sa tuwing may eksena silang dalawa ni Puring na tila ba siya ay mayroong pagnanasa. At sa eksenang hinahalay na niya ito ay kitang-kita sa kanyang kilos at ekspresyon ng mukha ang hindi mapigilang pagnanasa niya sa manugang. Ang mga karakter na pang-suporta naman gaya nina Crispin Medina bilang Menardo, Joonee Gamboa bilang Mang Pekto, Rolando Tinio bilang Mang Bino, Ella Luansing bilang Suling at Vangie Labalan bilang Aling Rosing ay nasa tamang timpla lang ang naging pag-arte. Hindi sila naging agaw-pansin at hindi nila nahigitan ang mga karakter ng mga pangunahing tauhan na dapat lamang talagang taglayin bilang karakter na pang-suporta.

Isang malaking bahagi ang ginagampanan ng editing sa story at character developments ng pelikula. Para sa akin, sa aspetong ito, matagumpay naman na naiparating ng mga editors ang pagbabago ng mga karate at pag-usad ng istorya sa pamamagitan ng pagtatagpi-tagpi nila ng mga eksena at ang pagkakasunud-sunod ng mga ito. Ang hindi ko lang nagustuhan at ang itinuturing kong weak attempts sa editing ng pelikulang ito ay ang paggamit ng napakaraming fade-to-white transitions. Para sa’kin kasi mas cinematic ang isang pelikula kung mas minimal ang paggamit ng mga special effects na transitions kasi kung ganoon, para lang siyang nagiging slideshow. Mas epektib sa’kin kung ‘cut-shoot’ lang ang nangyayari o yung mismong ‘cut’ ang nagsisilbing transition. Isa pa, sa eksenang pagbaba nina Narsing at Puring mula sa kalesa at naglakad patungo sa bahay ng lalake, nabagalan ako sa phasing. Masyadong matagal yaong paglalakad nila na naging boring na yaong eksena para sa’kin. Hindi rin ako nagandahan sa maraming beses na pagsulpot ng tagapagsalaysay in-between scenes na madalas ay tumatagal lamang ng mga tatlong segundo. Oo nga’t hindi lamang siya tagapagsalaysay dahil may malalim siyang koneksyon sa mga tauhang ikinukwento niya, pero parang naging inappropriate na yung bigla na lang isisingit sa bawat eksena ang sarili niyang eksena gayong wala naman siyang dayalogo. Para bang suma-side comment lang siya sa mga nangyayari sa tuwing lilitaw siya sa eksena. Isa pa, ang boring lang ng OBB nito. Sawang-sawa na kasi ako sa stereotypic na “Toot Cinema presents *Pangalan ng mga Tauhan* in *Title ng Pelikula*”. Mas maganda sana na OBB pa lang, may istorya na. Ewan ko, hindi pa ata kasi uso yung mga ganoon noong mga panahong ginawa ang pelikulang ito.

Pagdating naman sa sinematograpiya, na-maximize naman ni Manolo Abaya, DOP, ang paggamit ng iba’t ibang shots at movements. Unang-una na dito ang paggamit ang aerial shot sa una at huling bahagi ng pelikula na kung saan parehong umaandar na kalesa ang subject na sa unang bahagi ng pelikula ay lulan sina Narsing at Puring patungong Baryo Mulawin at sa huling bahagi ng pelikula ay lulan pa rin si Puring sa kanya namang paglisan sa parehong baryo. Gumamit rin ng mga wide shots, cut-in, close-up shot, over-the-shoulder shot at point-of-view shot. Sa camera movements naman, madalas ang paggamit ng panning at dolly shot. Gayon din ang zooming lalo na sa eksenang iniiyakan ni Narsing ang libingan ng ama. Ang hinahanap ko lang ay yung focusing ng main subject sa bawat framing. Hindi ko alam kung malabo lang yaong copy na pinanood ko or hindi talaga gumamit ang pelikula ng camera focus kung saan malinaw ang foreground (subject) at malabo ang background.

Ang musikang ginamit sa pelikula ay tugma sa bawat eksenang pinglalapatan nito. Napansin kong madalas gamitin ang musika sa mga malulungkot at madamdaming eksena. Samakatuwid, nakadagdag ito sa emosyong nais ipadama ng pelikula sa mga manonood gayong ang ibang eksena ay hindi gumagamit ng mga dayalogo kung kaya’t musika at ekspresyon ng mukha lamang ang tanging pinanggagalingan ng damdamin ng ilang eksena.

Kahanga-hanga din ang disenyong pamproduksyon ng pelikula. Sa pamamagitan ng mismong location/set, mga kasuotan at mga props, tila ba nadala ako ng pelikulang ito sa mundong na noong unang panahon lamang umiral. Sa tulong ng mga elementong ito, napasok ko at naranasan ang kulturang mayroon ang mga tao noong sinaunang panahon. Si Puring, mapapansing lagi siyang nakaputing damit, kung hindi man, mapusyaw na kulay ang makikita sa kanyang kasuotan. Para sa’kin ito ang sumisimbolo sa kadalisayanan niya bilang isang babae na tapat na umiibig na walang ibang hangad kundi mahalin ng taong mahal niya at mahalin din ng mga taong nagmamahal sa taong mahal niya. Nagsimula lang siyang magsuot ng itim na damit noong nagluluksa siya sa pagkamatay ng ama ni Narsing. Ito ngayon ang sumisimbolo sa nasirang pagkatao niya matapos siyang halayin at malagay sa kahihiyan sa kamay ng kanyang biyenan at sa iba pang pasakit na naranasan niya sa puder ng taong minamahal niya. Sa eksenang papatayin na ni Puring ang kanyang sariling anak kung saan maraming apoy ang nasa paligid, maaring ang mga apoy na ito ay sumisimbolo sa init ng pagmamahal ni Puring sa sanggol na kaya lamang niya nagawa ang bagay na iyon ay upang itakas ang anak sa mga pasakit na maaari nitong harapin sa kanyang paglaki. Maaari rin namang sumimbolo ito sa hapdi, kapara ng pagkakapaso ng balat sa apoy, na maaaring danasin ng bata sa hinaharap sa kamay ng mapang-husgang mga tao sa kanyang paligid. Ang kalesa naman na nakita natin sa una at huling mga bahagi ng pelikula ay sumisimbolo sa pag-asa. Sa unang bahagi, ang kalesa ang simbolo ng pag-asa para kina Narsing at Puring mula sa pagkakalubog sa Maynila. Ito ang naghatid sa mag-asawa sa lugar na inakala nilang magbabangon muli sa kanila mula sa pagkakadaop sa lupa. Sa huling bahagi, ang kalesa ang siyang nagsilbing pag-asa para kay Puring upang makawala sa pagkakakulong niya sa lugar kung saan niya naranasan ang iba’t ibang pasakit na dala ng pag-ibig. Ang kalesang ito ang siyang naghatid sa kanya papunta sa lugar na kanyang pinanggalingan na pinaniniwalaan niyang siyang magsisilbing lugar para sa pagbabagong-buhay niya.

Pagdating naman sa lighting, mapapansin na karamihan sa mga eksena ay madilim. Sa tuwing ang lokasyon ng eksena ay sa labas ng bahay nina Narsing, makikitang maaliwalas ang paligid. Makulay, kung tutuusin. Ito ang sumisimbolo sa kalayaan ng isang tao at sa pag-asang mayroon siya sa tuwing malayang nakagagalaw mula sa pagkakakulong sa mga nasa ng mga taong pumapaligid sa kanya. Samantalang kapag nasa loob ng bahay, sa kwarto, sa kusina, sa beranda, laging madilim ang kuha at tila mayroon lamang iisang hibla ng liwanag. Ang liwanag na ito marahil ang sumisimbolo sa pag-ibig na mayroon ang bawat tauhan na iniaalay niya sa kapwa tauhan. Ang dilim naman ang sumisimbolo sa mga dumi at pasakit na dala ng pag-ibig na ito. Makikitang mas dominante ang porsyon ng dilim kaysa sa liwanag. Ipinahihiwatig lamang nito ang pagiging dominante ng makamundong pagnanasa ng isang tao at ang kasamaan na dulot ng mga pansariling-kagustuhan ng isang indibidwal. Ang dilim rin na ito ay siyang sumisimbolo sa pagkakakulong ng isang tao sa mga pansariling-interes ng iba. 

Sa kabuuan, nais iparating ng pelikula na hindi lamang mga positibong bagay ang dulot ng pag-ibig. Puro pasakit at dumi ang dala nito lalo pa’t kaakibat ng pag-ibig ang makamundong pagnanasa ng isang tao sa lahat ng kasakiman. Inilalarawan lamang ng pelikula ang mga katotohanang pangyayari sa ating lipunan na kinabibilangan ng maraming sakim at hayok sa sariling interes. Ang mga taong walang ibang inisip kundi ang ikabubuti lamang nila at hindi ng buong lipunan o maging ng mga taong nakapaligid sa kanila ang siyang sumisira sa kagandahan at kaayusan ng isang sistema. Ipinahihiwatig din sa pelikula na hangga’t may mga taong makasarili, mananatiling nasa negatibong sitwasyon ang ating lipunan.  [V]

 
Picture










Knowing na si Judy Ann ang bida sa pelikulang ito, medyo na-shock ako dahil sex scene yung OBB. Agad-agad, hindi nagpatumpik--tumpik! Buti na lang at nag-iisa lang ang ganoong eksena dahil sumusuko talaga ang mga mata ko sa mga eksenang may katulad na pangyayari, 

Balik tayo sa OBB. Pumatok talaga sa’kin ito dahil sawa na ako sa mga pelikulang nagsisimula sa “Toot Cinema presents *Title ng Pelikula* starring *Pangalan ng Bida*” Isa pa, sa opening billboard pa lang, may istorya na.

Nang magsimula na ang main proper ng pelikula kung saan may dialogue na, hindi ko inaasahan na ibang lenngawahe ang gagamitin. Naisip ko, effort na nga sa malalim na pag-intindi sa pelikula, effort pa sa pagbasa ng subtitle. Pagdating sa eksenang pinagbibilhan ng tindera si Rodrigo, mas naloka ako dahil iba na namang lenggwahe ang ginamit! Hanggang sa lumabas na si Judy Ann na iyong lenggwahe din ang gamit. Nang magsimulang mag-usap sina Rodrigo at Badocdoc, biglang nag-Filipino si Rodrigo na sa aking pagkakaalam ay isang Taiwanese. Nakakaloka talaga! Pero yun nga, tinuruan pala siya ng isang Filipino na kasamahan niya sa barko ayon sa eksenang nag-uusap sila ng anak ni Seling.

Pero isa ang paggamit ng pananalitang Cuyonon sa ikinaganda ng pelikula dahil nai-deliver ni Judy Ann at ng iba pang tauhan ang kanilang mga linya nang maayos gamit ang lenggwaheng hindi naman nila nakasanayan at inaral lamang nila para sa pelikula.

Sa pagkakaalam ko, isa si Judy Ann sa mga producers ng pelikulang ito. Bilang indie ito, walang sapat na budget ang buong team kung kaya’t si Judy Ann na rin mismo ang personal na kumausap sa mga artistang magsisiganap nang walang bayad. Naalala ko sa isang interview sa kanya kaugnay ng Ploning, sinabi niyang puro mga kaibigan niya ang tauhan ng pelikula dahil sila lang ‘yung papayag na gumanap nanng walang talent fee.

Pero sa kabila ng pagiging low-budget film nito, makikitang hindi tinipid ang production design at hindi naging minimal ang paggalaw ng kamera gamit ang iba’t ibang anggulo at teknik. May mga effects din na makikita sa pelikula gaya noong nagsasayaw ang mga ati-atihan habang unti-unting ipinapakita si Judy Ann at noong nagsasayaw sila ng tatay niya. Hindi rin naging magulo na dalawang panahon ang umiiral sa kwento dahil color graded ang mga eksenang kasama si Judy Ann at ilang mga tauhan na nabuhay noong unang panahaon. At sa tuwing mapupunta ang eksena sa naunang panahon mula sa kasalukuyan, hindi basta fade in, fade out ang ginamit na transition effects. Madalas, sa isang subject nagtatapos ang eksena sa kasalukuyan at sa ganoong subject din magsisimula ang eksena noong unang panahon.

Noong ipinakita si Judy Ann bilang si Ploning na hinahanap ni Rodrigo, inisip ko na si Ploning ay ang love interest nito na nakasama niya noon bilang kababata ngunit napaghiwalay ng panahon. Pero habang tumatagal, nalaman kong mali ako.

Sa mga pasimulang eksena, madalas makita si Digo na laging kasama ni Ploning na animo’y malapit na malapit sa isa’t isa. Inisip ko na ang batang iyon ay anak niya. Ngunit nang sumunod na ang iba pang eksena, nalaman kong mali na naman ako. Nang dumating sa eksenang nag-uusap sina Rodrigo at Badocdoc tungkol sa mga palayaw kung saan natapos ang eksenang ito nang sabihin ni Rodrigo ang kanyang palayaw at ang sumunod na eksena ay may dayalogong, “Digo, halika na,” naisip ko na si Rodrigo at si Digo ay iisa. Sa pagkakataong ito, tama na ako.

Nakadagdag sa pagiging cinematic ng pelikula ang mga twists kung saan maraming bagay ang hindi malinaw at nakatago sa simula ng pelikula ngunit unti-unting ini-reveal sa huli. Maganda rin ang musical scoring kahit hindi ko naiintindihan ang message. Maybe it's the melody of the song. 

Kapansin-pansin din na sa simula pa lang, malayo ang loob ni Ploning sa kanyang tatay. Hindi talaga malinaw sa akin kung bakit nga ba pero umaasa ko na habang tumatakbo ang istorya, malalaman ko ang sagot. Hanggang sa dumating na nga ang eksenang sa aking pagkakaalam ay magpapalinaw na ng aking isipan – ito ay iyong nag-uusap sina Digo at tatay ni Ploning habang nilalabhan ng huli ang puting damit na ibinigay niya noong 16th birthday ni Ploning. Pero tila nabigo ako dahil mas naguluhan pa ata ako. Sinabi ng tatay niya na pagkatapos ng 16th birthday ni Ploning ay nagsimula na rin ang paglayo ng loob nito sa kanya. “Sana dahil dito (putting damit) muling lumapit ang loob niya sa akin. Maramdaman niya na nasa kanya na ang pagpapatwad ko kahit ano pa ang nangyari.” So, may ginawang kasalanan si Ploning noon? Naisip ko, dito na ata papasok ang significance ng sex scene sa OBB. Hindi kaya noong 16th birthday ni Ploning, nakipagtalik siya kay Tomas (na sinasabing kasintahan nito na pumunta ng Maynila at doon na rin namatay)? Iyon nga kaya ang sinasabi ng tatay ni Ploning na binibigyan na niya ng kapatawaran? Kung gayon, hindi ba nagbunga ang ginawang ito ni Ploning at Tomas? Nasaan ang anak ni Ploning? Hindi kaya si Mou Sei a.ka. Rodrigo a.k.a Digo ang anak niya? Joke! Anak nga pala siya ni Juaning. [V]

 
Picture
Source: http://starforallseasons.com/2009/11/13/filmography-anak-2000/
Pangalawang beses ko na ngayon panoorin ang pelikulang Anak. Ang una ay noong isa o dalawang taon ang nakalipas simula nang magbukas ang pelikula sa mga sinehan. Labing-isang taon ang nakalipas ngunit iisa pa rin ang epekto ng pelikulang ito sa akin ngayon – ang pagtulo ng aking luha sa ilang mga eksena. Ang pagkakaiba lang, mas nakita ko ang pelikula ngayon sa teknikal na aspekto at sa mas malalim nitong pagpapakahulugan. 

Pinoy na pinoy ang atake ng pelikulang ito sa kung paano ipinakita ang pagtangkilik ng isang magulang sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya kahit pa malayo siya sa mga ito at tiisin ang pangungulila sa kanila. Kasama pa rito ang pagtitiis sa hirap ng trabaho at pakikisama sa tinutuluyang amo.

Isa pa, ipinakita sa pelikula ang mga katotohanang nangyayari sa buhay ng isang OFW. Nariyan ang pagwawaldas ng mga naiwang kaanak sa perang ipinapadala sa kanila. Nariyan din ang pagkakaroon ng love affair nito sa mga nakakasama sa bangsang pinagtatrabahuhan sa kabila ng pagiging pamilyado na nito sa Pilipinas. At nariyan din ang ang pagkakapariwara ng buhay ng isang anak na naiwan sa bansa at ang pagkakaroon nito ng sama ng loob sa magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Stereotypic ang tema ng pelikula. Simple lang at masyado nang karaniwan ang istorya. Pero natabanunan ang pagiging conventional nito ng mga linya at pagganap ng mga karakter. Natural ang pagkakaarte ni Vilma Santos sa ginampanan niyang tauhan bilang Josie. Sa simpleng galaw at pangungusap ng kanyang mga mata, nakuha ko siyang kaawaan. Naramdaman ko ang pangungulila niya sa kanyang mga anak kahit pa katabi niya na ang mga ito. Nadama ko rin ang sakit sa kanyang puso sa tuwing binabalewala siya at binabastos ng kanyang anak na si Carla na ginampanan ni Claudine Barreto kahit pa wala siyang binibitiwang linya at ang tanging sagot niya sa bawat sinasambit ni Carla ay ang kalungkutang makikita sa kanyang mga mata. Sa panig naman ni Claudine, para sa akin, naging effective ang acting skill niya sa pelikulang ito. Naiinis ako sa kanya sa mga eksenang sumasagot siya nang di-makatwiran sa kanyang nanay na para bang gusto kong ako na ang sumampal at manakit sa kanya para kay Josie.

Sa aspektong sinematograpiya, makikitang na-maximize ang paggamit ng iba’t ibang camera angles, perspectives at positions. Para kasi sa akin, mahalaga ang pagiging malaro ng kamera para hindi maging boring ang pelikula. At dahil din nito, nagiging visually-sufficient ang bawat eksena dahil nakadadagdag ito sa gusting iparating ng pelikula sa mga manonood.

Pagdating naman sa editing, naging linear at logical naman ang pagkakasunud-sunod ng eksena. Nakatulong sa pagiging meaningful na pelikula ang mga flashbacks na ginamit. Para bang sa bawat tanong na pumapasok sa aking isip sa bawat eksena, ang mga flashbacks ang sumasagot sa mga ito. Dahil dito mas naging cinematic ang dating ng pelikula dahil sa technique na ito. 

Mas pinaigting naman ng tunog at musika ang emosyon sa bawat eksena ng pelikula. Dahil sa elementong ito nagkaroon ng kulay at mas ramdam ang galaw at arte ng mga artista.

Sa pelikulang ito, ipinakita rin ang pagbabago sa traditional family system na kung saan ang padre de pamilya ang dapat na nagtatrabaho para kumita at ang babae ang siyang nasa bahay at nag-aalaga sa mga anak. Ang tatlong OFW sa pelikula ay kapwa mga babae. Sa pamamagitan nito, ipinarating ng pelikula sa mga manonood na ang mga babae ang mas kayang magsakripisyo para sa ikabubuti ng pamilya kaysa sa mga kalalakihan. Ang mga babae ang mas malasakit sa pamilya dahil kinakaya nila ang pangungulila at pagod kapalit ng maayos na buhay ng mga naiwan sa kinalakihang bayan.

Sa pamamagitan din ng pagkakapariwara ng buhay ni Carla, naipakita na malaking kawalan ang paggabay ng isang ina. Ipinapakahulugan din na malaki ang pagkakaiba ng pag-aaruga ng isang ama at ang naibibigay na epekto nito sa mga anak sa pagpapalaki ng isang ina. [V]


 
Picture
“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng mga himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!,” ani Elsa.

Ito ang mga linyang sinambit ng batikang aktres na si Nora Aunor sa karakter ni Elsa nang siya ay mangumpisal sa lahat ng kanyang mga kababayan tungkol sa katotohanan ng himala. Isang sikat na linya na kilalang-kilala sa larangan ng pelikulang Pilipino, na kahit siguro yaong mga hindi pa napapanood ang pelikula ay pamilyar din sa mga salitang ito.

Himala. Sa salitang ito umikot ang kabuuan ng pelikula. Muling nanumbalik ang pag-asa ng mga tao ng nananamlay na bayan ng Cupang sa kadahilanang nagpakita ang Mahal na Birhen na may sugat sa dibdib sa isang inosenteng dalaga na si Elsa. Mula nang magpakita ito sa dalaga, nagkaroon na siya ng kakayahang manggamot ng mga may sakit. Daan-daang tao ang dumadagsa sa kanya araw-araw kung kaya’t naging laman siya ng mga pahayagan maging ang bayan ng Cupang. Ang pagiging tagasunod kay Elsa ay nagbigay rin ng daan upang magkaroon ng kabuhayan ang marami sa kanyang mga kababayan. Sa una’y puro magagandang bagay ang nangyayari sa buong kabayanan ngunit sa hindi malamang dahilan, naging sunud-sunod ang kamalasan na nangyari sa mga tao. Hindi rin naman naglaon, muling naniwala ang mga tao sa kakayahan ni Elsa nang bumuhos ang ulan sa tuyot na baying ng Cupang. Sa pagkakataong ito, inanyayahan ng dalaga ang buong taong-bayan sa pumunta sa burol kung saan nagpapakita ang Mahal na Birhen. Sa burol rin na ito niya ipinahayag ang kanyang saloobin tungkol sa himala hanggang sa may di-kilalang tao ang bumaril sa kanya.

Kahit pa hindi gumamit ang pelikula ng mga tauhan na may magagandang mukha, naging maganda sa paningin ang kabuuan ng pelikula dahil sa mahusaa na nabigyang-katarungan ng bawat isa ang karakter na kanilang ginampanan. Isa pa sa aking napansin, hindi ganoong kalaki ang ikinilos ni Nora Aunor bilang aktres sa pelikulang ito. Sa katunayan, isinabuhay niya ang karakter ni Elsa sa pamamagitan ng low-key performance. Ngunit, sa pamamagitan nito niya nakuha ang simpatya ng mga manonood dahil naging consistent ang kanyang paggalaw at pag-arte. Napakalaking epekto rin sa pelikula ang magandng koneksyon ng kanyang mga mata na siyang nangugusap sa tuwing wala siyang binibitiwang mga linya. Sobrang humanga rin ako sa mga non-actors na kasama sa pelikula. Nang dahil sa kanila, naging mas makatotohanan ang kwento. Nais ko ring bigyang-pansin ang stamped scene at yaong eksena kung saan pinagpasa-pasahan si Elsa matapos mabaril sa pagtatapos ng pelikula. Karapat-dapat lamang mabigyang-pugay ang mga crowd directors na kung paano nilang napamahalaan nang maayos ang gagawin ng libu-libong extra.

Sa aspetong may kinalaman sa sinematograpiya, napansin kong naging minimal ang paggamit sa iba’t ibang camera movements lalo na sa mga eksenang may dalawang taong nag-uusap. Palaging nasa front-view steady camera angle lang ang ginamit na technique. Hindi nagbabago ang anggulo ng camera sa loob ng higit isang minuto kaya may pagkakataong boring na dahil visually-poor na yaong mga conversational scenes.

Medyo na-bother lang din ako sa eksenang binibihisan ng mga apostol si Elsa sa kwarto. Nang umiba ng pwesto si Sepa, nakita sa screen ang isang box ng Dunkin Donuts. Hindi rin naman maitatanggi na minsan ang pelikula ay naginging commercialized pero para sa akin, hindi bumagay ang pagkakaroon ng ganoong produckto sa isang pelikula na ang setting ay sa isang baryo na malayo sa karangyaan. Hindi naman bingyan ng total focus yaong produkto pero halata pa rin siya kung talagang bibigyan-pansin.

Sa pagtatapos nga ng pelikula ay binaril si Elsa habang siya ay nangungumpisal sa taong-bayan. Ngunit hindi malinaw kung sino ang taong may kagagawan dahil mula sa simula hanggang sa matapos ang pelikula, wala namang eksenang ipinakita na mayroong taong nagmamanman sa kanya na wari’y mayroong galit at masamang balak sa kanya. Ngunit para sa akin, hindi na rin mahalaga kung sino man ang bumaril dahil sa aking pakiwari, nais lamang ng pelikula na ipakita na simula’t simula pa lamang ay renaissance na si Elsa ng Mahal na Birhen na may sugat sa dibdib, simula nang magpakita ito sa kanya at nang magkaroon siya ng healing powers hanggang sa pagkakaroon niya ng sugat sa dibdib dahil sa tama ng bala.

Mayroon ding mga symbolisms ang ipinakita sa pelikula. Isa na nga dito ay ang pagkakatama ng bala sa dibdib ni Elsa. Isa ko pang nabigyang interpretasyon ay yaong pagpapatayo ni Nimia ng cabaret-whorehouse sa kabila ng pagiging relihiyosa ng kanyang malapit na kaibigan na si Elsa at ng halos lahat ng tao sa Cupang. Nangangahulugan lamang na sa pamamagitan ng ginagawa niya, hindi siya sumasang-ayon sa pagkakaroon ng himala o sa paniniwala man sa ispiritwal na buhay. Ang maliliit na galaw at facial expressions ng mga tao ay may simbolismo, even Chayong and Pilo’s make-out in the pig pen depicts symbolism.

Para sa’kin, the totality of the movie is indeed word class. Sa mga tauhan pa lang, kitang-kita na ang ipinamalas nilang galing sa pag-arte knowing na karamihan sa mga nagsiganap ay nagmula sa Philippine Educational Theater Association o PETA. Isa pang nakapagdala sa mga eksena ay ang paggamit ng mga excellent eerie soundtrack music. Sobra ring makatotohanang ang screenplay ng pelikulang ito, masasabing may tatak-Pinoy talaga na worth-sharing sa mga banyaga. At kung mga mali or pagkukulang man sa buong production, ito yaong hindi na-maximize ng cinematgorgrapher ang iba’t ibang camera angles at movements especially on lengthy conversational scenes.

I just don’t advise young children to watch the movie without adult’s guidance dahil mayroong ilang mga unwatchable scenes for them but a moral lesson is for them to learn, para sa lahat, actually especially sa religious at spiritual na aspeto ng buhay ng tao. [V]


 
Picture
Source: http://pinoyreleaselog.files.wordpress.com/2012/07/42.jpg (edited)
‘Ang Babae sa Septic Tank’ was initially released last August 2011 but I was only able to watch it a year after over the internet. Though, I didn’t watch it in purpose. I was then watching ‘Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros’ in YouTube when the former movie title from the suggestions bar caught my attention. I have heard in the news before that ‘Ang Babae sa Septic Tank’ bagged the major awards given by the different award-giving bodies and was also nominated for other awards, not to mention that it became the highest grossing Filipino independent film in the history of cinema.  Thus, I didn’t hesitate to open it in a new tab and did watch it right after ‘Ang Pagdadalaga…’

It was very creative of the movie that it was able to highlight how movie-making is being processed. Thus, everyone who watched it tagged the film as a ‘movie within a movie.’ I found it very unique for a movie doing such by letting the viewers walked through a script from brainstorming, putting ideas into executions to the problems arising in choosing the poster that would best fit into the theme of the film and in the departments of casting, lightings and production design and location by the young filmmakers played by Kean Cipriano as Direk Rainier, JM de Guzman as Bingbong, the producer and Cai Cortez as the silent yet very imaginative production assistant in the name of Jocelyn.

Set in an urban poor community, their movie titled “Walang Wala” dealt with the story of Mila, played by Eugene Domingo, who is a mother from the slums who sold one of her children to a pedophile out of desperation to survive.

The brainstorming of the three filmmakers on how they wanted to execute the story came up throughout the story as different approaches were colorfully presented in Jocelyn’s wide imagination. The original version was a typical indie film treatment reinterpreted into a documentary drama which turned into a musical with a complete production numbers and singing. Another version of it was a commercialized melodrama wherein there are manifestations of product endorsements in every scene. Included in the brainstorming was also the discussion of their casting choices as two other actresses, Cherry Pie Picache and Mercedes Cabral, play the role of Mila.

Another thing in the movie that hyped my interest was the approach done by Eugene in her real-life role when she was giving demands on how the foods are like on the set and that her quarters should be air-conditioned. With her kind of portrayal in this scene, the viewers were given a hint on how many of our leading stars act and behave towards making a project in real life.

Indie films don’t always need to be in the form of porn or in any dragging and malicious themes. Either way, indie films don’t always need to highlight the deficiency our country has. Such storylines are being formulaic and conventional. Though, ‘Ang Babae sa Septic Tank’ is also a poverty-themed film but in the form of romanticized one because of its whole movie scheme as an art of making art, movie within a movie.